Wednesday, May 10, 2006

punta ako ng davao

i will be in davao for 2 days starting tomorrow. business trip po ito dahil may awarding of winners ang client ko. napayagan din akong sumama ng boss ko.

di ko nga akalain na papayagan ako. kasi ba naman nung meeting namin 2 weeks ago, sabi sa akin ng client, "oh, sama ka sa davao para sa awarding. sama ka din sa plant visit." sagot ko, "ah sir, titingnan ko pa ho ha." ang thought balloon ko, "wala kaming budget para dyan ano!"

narinig ng boss ko ang client invitation. pero deadma siya nung una. so, usap-usap ulit kami ng client. ng malapit na matapos ang meeting, sabi ulit ng client, "sama ka sa davao ha." pagkasabi nun, sabay tingin ako kay boss, with matching sweet smile. sinasabi ko silently na, "pumayag ka na ano!"

tumingin si boss sa akin, at sinabi niya "yes, she will go with you."

yes!!! makakarating na ako ng davao. wah ako cares kahit pa work-related ito ano! pwede ko naman i-singit ang aking pagliliwaliw sa friday bago ako bumalik ng manila.

sabi agad nila sa akin ng malaman ng mga ka-opisina ko na pupunta ako ng davao, "kain ka ng durian." huwag po!!!!!!! hindi kaya ng powers ko ang amoy ng prutas na yan. kahit nga candy di ko ma-take ano! at pagkarinig din ng daddy ko na pupunta ako, mag-uwi daw ako ng durian. lord! di kaya ng powers ko talaga ang durian!

eto naman mama ko, mag-uwi daw ako ng suha. sus! kahon-kahon ang bili dun di ba. pati officemates ko yun din ang bilin. laki nun ha!

at, baka pala makalimutan ko pa ang mock-up cheque para sa awarding. naku! baka pabalikin ako ng client ng manila ano! official business ito remember!!!

hmmm, paano ko kaya bibitbitin lahat yan pauwi?

No comments:

Post a Comment