Friday, February 17, 2006

senior citizen

it's my daddy's 60th birthday today. isa na siyang official senior citizen!

pwede na siyang kumuha ng senior citizen card para makakuha ng discounts sa mga iba't ibang kanina, drugstore at kung saan-saan pa. plus, meron na siyang bi-annual allowance galing sa city of makati. aba, big time na pala si daddy! hahaha!

treat ko nga siya mamyang gabi eh. lalabas kaming family mamaya for dinner. simple lang naman ang gusto niyang pagkain, kaya naman inisip kong dalhin siya sa cabalen mamaya. mag-e-enjoy siya dun tutal din naman eat-all-you can dun.

happy ako at malakas pa rin siya hanggang ngayon. yun nga lang, kasama sa pagtanda ang pagiging makulit! naku, si daddy yan. nagiging makulit na talaga siya. pero naman, super love ko talaga yan.

isa sa mga dahilan ay kamukha ko si daddy. sa unang tingin akala mo si mama ang kamukha ko, pero actually, magkahalo ang features ko galing sa kanila. at kung titingnan mong mabuti ay mas hawig ako kay daddy. pati nga daw pala ang paglalakad ko eh nakuha ko sa kanya.

at ngayong 60 years old na siya, hinihiling ko lang na sana ay maging malakas pa rin siya sa mga darating na panahon. at syempre, gusto ko namang makita pa niya ang kanyang magiging mga apo.

eto nga pala si daddy, kuha ito nung february 14. ayan, bigay niya kay mama yang pares ng cuckatoo na yan. ito kasing si mama, ayaw daw niya ng bulaklak. at kung bulaklak lang din daw ang ibibigay sa kanya, eh huwag na lang, perahin na lang daw! hahaha!

1 comment:

  1. Happy birthday to your dad!

    Kakatawa kasi I remembered an officemate na galit na galit sa bulaklak. Every V-day kasi, namimigay ang company ng one rose each female employee. Sabi niya, kesa daw rose, mas maa-appreciate pa niya ang chicharon bulaklak, hehehe!

    ReplyDelete