Monday, December 19, 2005

lumpiang prito

ang tagal ko ng hindi nagluluto. kung may ilang buwan na rin. si mama kasi ang lagi ng nagluluto. or, kung di naman, may katulong naman na pwede utusan. dati, lagi akong nagluluto.

hindi naman sa pagyayabang eh masarap naman ang luto ko. namana kay mama. si mama kasi hilig talaga ang pagluluto. sa kanya ako natuto. pag may handaan, mas gugustuhin pa ni mama na magluto na lang kesa kumain sa labas, sa restaurant. pakiramdam niya, mas mura at mas mapipili pa niya ang lulutuin. naku, mahilig din naman kami kumain sa labas, yun nga lang, mas gusto niyang siya na lang ang maghanda.

kaya nga ang joke sa amin, na may katotohanan actually, eh walang payat sa amin. mahihilig kasi kumain. umpisa kay daddy hanggang sa pinaka-bunso. lalo na ang bunso namin. bardagol! oops. tama na muna ang description kay p. balik muna sa kwento ng luto ko.

yun na nga, nagluto ako ulit, at ang naisipan kong lutuin ay lumpiang gulay na prito. actually, nasabihan ako ni mama na magluto naman daw ako. hehehe! paborito ito sa bahay lalo na ng kapatid kong sumunod sa akin at syempre, ng asawa ko. in fairness, eh marunong pa pala akong magluto. hehehe! hindi pa naman pumapalya. sana eh magtuloy-tuloy ito.

ganito ang pagluto ko ng lumpiang prito (pasensya na kung walang sukat ang mga sangkap. di kasi ako sanay na nagsusukat. tinatantiya ko lang siya depende sa dami ng gusto kong lutuin):

- togue sprouts
- baguio beans
- carrots
- kamote
- tokwa
- onions
- garlic
- ground pork, small amount for sauteeing only
- shrimps, cut into small pieces or shrimp cubes
- lumpia wrapper

1. hiwain into small strips ang carrots and camote, baguio beans and tokwa.
2. in a pan, saute the garlic and onions. once the onion is cooked, place the ground pork.
3. once pork is brown, place shrimps or shrimp cubes.
4. place a bit of salt & pepper, then pour in all the vegetables. taste as desired.
5. cover pan well, simmering the vegetables.
6. once vegetables are cooked, set aside and let cool.
7. once the vegetable is cool, wrap in lumpia wrapper.
8. deep fry the lumpia after.
9. serve alongside with vinegar (mix-in
chopped onions)

1 comment: