Tuesday, November 29, 2005

kwentuhan sa lunch

mga officemates ko at ako, sama-sama nag-lunch sa area ng creatives. usual kwentuhan habang kumakain. saya di ba, at least break sa trabaho. nabanggit ni lieza na nanood siya ng "the exorcism of emily rose." hala, dun na nag-umpisa ang kwentuhan. nabalikan ang mga nakaraan na hindi na nila inabutan.

sabi ko, nung friday, habang pauwi, naka-on ang radyo namin ni nelo. nagulat ako ng bigla na lang akong makarining ng... awoo-aha-awoo! syempre, mahirap i-describe ang sound na ito. pero ito ang sound na laging intro para sa isang radio horror show na hindi ko akalaing buhay pa pala - "gabi ng lagim!" nagulat ako ng marinig ko ito sa radyo. akala ko nasibak na ang show na ito. nun pala eh nasa radyo pa rin sa dzrh tuwing alas-otso y medya ng gabi.

naalala ko nung bata pa ako, ito ang paboritong programa ng mga katulong sa bahay ng tita ko. pag naririning namin ito noon ng mga pinsan ko, takot na takot kami. dalawang bagay lang, pag nasa kwarto kami ng katulong at inabutan kami ng "gabi ng lagim," hindi na kami makaalis sa loob ng kwarto nila. pakiramdam namin may haharang sa amin sa pasilyo. at kung sasabihan naman kami ng tita ko na puntaha ang katulong sa kwarto, at narining namin ang programa, inakupo! hindi na kami makapasok sa kwarto nila at kailangan pa naming sumigaw para lanng puntahan kami!

hahaha! kakaiba talaga pag bata ka ano! kaunting sulsol lang ng pananakot sa iyo eh halos ma-ihi ka na sa kinatatayuan mo. at hindi ka makapunta sa dapat mong puntahan ng wala kang kasama. baka kasi may biglang humila sa iyo sa may madilim na lugar. at ang alam mo ay multo o aswang ang mga ito. samantalang ngayon, pag nanuod ka ng horror movie, takot ka lang sa umpisa o di kaya ay nagugulat ka. pero pagkatapos nun, okay ka na. as if walang nangyari at wala kang napanood or napakinggan na nakakatakot.

syempre, hindi maka-relate masyado ang mga young officemates sa "gabi ng lagim." ang alam na lang nila ngayon ay ang "sa dako pa roon" at ang "nginiig." hahaha!

mahirap talaga kapag tumatanda ka na!

1 comment:

  1. hihi. ako po kahit matanda na, takot pa ren sa horror movies. :p

    ReplyDelete