Thursday, October 06, 2005

madilim sa labas, uulan na...

5:30 pa lang ng hapon pero parang alas-7 na sa dilim sa labas. kanina pa nagbabadya ang malakas na ulan at nakakatakot naman mag-commute lang. baka mamaya ma-stranded pa ako habang naghihintay ng jeep pauwi.

OT si nelo at hindi niya ako masusundo. hay! hirap talaga pag may biglaang requirement sa opisina. baka daw 7pm pa siya matapos. ngek! anong oras na siya darating dito sa makati? traffic pa naman mula sa ortigas...

...uy, kakatawag lang ni obet, siya na lang daw ang susundo sa akin. buti na lang!

ang lamig dito sa opisina. malamig sa labas, malamig ang aircon, gusto ko na tuloy umuwi. ang sarap matulog pag malamig ang panahon.

bukod pa dun, kanina ko pa rin gusto umuwi kasi gusto ko na mag-scrapbook! kung ano-ano nang ideas naiisip ko para sa mga pictures ko. plus, gusto ko pa mag-experiment sa mga layouts.

hirap talaga maging addict sa scrapbook. hehehe! anyways, ganyan talaga.

1 comment:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete