Wednesday, October 26, 2005

ang hirap magkasakit

hay naku, ang hirap talaga magkasakit! may sakit ako since sunday night, trangkaso yata. i had sore throat, masaki ang muscles ko and para akong nilalamig. ang dami ko pa naman dapat gawin sa office.

well, i ended up being absent from the office last monday. higa lang ako buong umaga trying to sleep off what i was feeling. ang hirap talaga. the night before, hindi ako agad makatulog. hindi ko yun kinaya! ako pa, eh masandal lang ang likod ko sa higaan eh tulog na ako agad. napa-iyak tuloy ako sa frustration, hayun, nakatulog din sa pagod ng pag-iyak!

kaya naman nung lunes, hindi na talaga ako pumasok. tawag ako sa office para mag-bilin. nakakainis pa, wala na akong sl credits, vl na lang for 2 days. well, there goes my precious leave credits. buti na lang at hindi sila nangulit sa office. may major presentation pa naman kami ng tuesday. good thing natapos ko na ito last friday.

eto na, pasok ako kahapon, tuesday. it was a very hectic day. the meeting was set at 2pm and the venue is at mamplasan! ang layo! while preparing the material for the major pitch, i still had to attend a meeting with our media department naman sa umaga! wow talaga! at habang takbo ako ng takbo sa mga meeting na ito, ay nilalamig naman ang katawan ko dahil sa trangkaso! isipin mo nga, imbes na nagpapahinga pa muna ako, hindi, nandito na ako sa opisina at humahataw sa meeting. mabuti na lang at positive naman ang naging response sa presentation namin. sulit lalo siguro ang pag-pasok ko kung makukuha namin ang account na yun.

hay! kaya ayan, kaninang umaga, absent ako ulit. natulog talaga ako at baka naman himatayin na ako sa opisina sa pagpilit kong pumasok.

mahirap din kasi na hindi ako pumasok, bukod sa marami talagang trabaho, hindi ko ma-afford na mag-absent. marami pa akong obligasyon na dapat asikasuhin. kung kami lang mag-asawa, siguro naman ay kakayanin naman maka-absent paminsan-minsan. kaya lang, ako ang in-charge sa family ko. hindi ko naman pwedeng hingin sa asawa ko ang pang-gastos sa pamilya ko ano. ito ang responsibilidad ng pagiging panganay. naiintindihan naman ako ni mama. hindi naman siya nagde-demand or anything. pero alam ko naman na wala silang ibang maaasahan kundi ako lang din. kahit na may kaunti naman silang pang-gastos, hindi pwedend yun lang din. kunsabagay naman, dun din naman kami sa bahay nakatira. buti nga wala akong binabayarang renta. parang, imbes na ibayad ko as rent, yun na lang ang pang-gastos namin sa food at iba pang kailangan sa bahay. kaya naman eto, give and take ang dating.

well, kaya sa susunod, inom palagi ng vitamins ng maiwasan na ang magka-sakit!

No comments:

Post a Comment