Thursday, October 27, 2005

kainis maghintay...

almost 8pm na nandito pa rin ako sa office! naghihintay sa asawa ko na sunduin ako. nassan siya? nasa gym pa rin. kung hindi lang umuulan, umuwi na ako kanina pa. tinawagan ko siya a few minutes ago, nasa gym pa rin daw!

my golly gulay! kanina pa siyang 5pm nag-start sa gym, nandun pa din siya. projected time ko na matapos siya is 730 at most, so by this time dapat nasa makati na siya para sunduin ako. mali!!!! for some reason, extended pa siya!

wala na akong ginagawa dito sa opisina. nagugutom na ako, gusto ko na umuwi. pero di ko magawa dahil nga naghihintay pa ako. kung di lang talaga umuulan! pahamak itong ulan na ito oo! sa susunod magtitiis na lang ako sa traffic!

No comments:

Post a Comment