Tuesday, October 03, 2006

alis na kami bukas!

finally, bukas na ang alis namin papuntang texas! super excited na ako este kami pala! hehehe!

almost ready na ang mga gamit namin na dadalhin. di ko pa nga lang nalagay sa maleta pero nakalabas na siya. ilalagay ko na lang mamaya pag-uwi ko. yung box naman, puno na rin ng mga pasalubong at ibang gamit.

pinagawaan namin si christabel ng costume para sa halloween. syempre iba pag pa-sadya di ba. ang super cute din! dalawa pa ang outfit niya! isa, pang-fairy attire. bumili kami ng tela sa divisoria pati yung pakpak niya. medyo hirap nga ibalot ng kaunti eh para sa box. pero okay lang naman, nagkasya pa rin. yung isa naman, sleeping beauty. ginaya ko yung attire ng pamangkin ko last year. at syempre, bumili din kami ng tiara para princess talaga! pagdating namin sa texas isusukat ko agad yun sa kanya.

one month din kami dun kaya super excited talaga. ang dami ko ng iniisip puntahan. lahat na ng pwedeng i-search sa internet tungkol sa texas, ni-research ko. at syempre, di pwedeng mawala ang mga pwedeng pag-shopping-an ano! importante yan syempre! sa tingin ko naman eh marami na sigurong sapatos dun na kakasya sa malaki kong paa. ikaw ba naman ang may size 9 (or minsan size 10 pa nga depende sa klase ng sapatos) na paa pag di naman na-mroblema ka sa paghanap lagi ng sapatos.

hay, basta, lahat ng pwede kong puntahan, pupuntahan ko na. mabilis lang din ang 1 month ano kaya susulitin ko talaga ang bakasyon na ito.

hopefully, makapag-update ako tungkol sa aming mga happenings doon. for now, excited na ako para bukas!

No comments:

Post a Comment