grabe! now i can say that i survived bagyong milenyo!
it's been years since i last saw a storm that strong. and as far as i can remember, the last storm that had almost the same strength was bagyong rosing back in 1995.
the announcement about milenyo's impending arrival came last wednesday night. nung una akala ko pa baka mamaya exaggerated anfg pag call-off ng classes in all levels for the following day. but then again, that night, medyo buhos na din ang ulan.
thursday, madaling araw pa lang, maririnig at mararamdaman mo na ang malakas na ihip ng hangin. at talaga namang ang lakas ng ulan! inisip ko na agad kung paano ako papasok. ang boss nila nelo 6am pa lang nag-text na na wala daw pasok. kami, naku, halos almost 8am na nagsabi, kung di mo pa i-text di pa mag-decide agad. hay!
anyways, talagang ang lakas ng hangin. halos naririnig ko yung bubong namin na parang matatanggal. on-off on-off pa ang ilaw umaga pa lang. ayun, bago mag 12nn talagang nawalan na ng ilaw. di kami halos makalabas talaga ng bahay kashit sa may likod. nakakatakot kahit na sumilip man lang.
eto ang view sa labas mula sa garahe namin. ang lakas di ba! halos di mo makita ang labas sa hagupit ng ulan.
birthday pa naman din nun ng mil & bil ko. kaya nung humupa na ang bagyo, pumunta kami sa paco for dinner. on our way there, naku! ang daming punong nakatumba! ang dilim din dahil nga walang ilaw. yung mga punong di mo akalaing matutumba, ayun, naka-hambalang na sa kalsada. at marami ding mga billboard structures ang nakabagsak.
tatlong araw ding walang ilaw dahil kay milenyo. ngayong gabi lang nagkaroon dito ng ilaw ulit mula nung thursday. sana naman ay di na maulit muna ang ganitong kalakas na bagyo. salamat na lang talaga at nakaligtas pa rin sa mga posibleng sakuna ng bagyo.
No comments:
Post a Comment