Tuesday, July 25, 2006

umuulan pa rin

malakas pa rin ang ulan. di pa rin tumitila. di pa rin ata umaalis si "glenda" sa pilipinas. nung sabado pa nag-umpisa ang walang tigil na pag-ulan. sa lakas niya, di na rin kami naka-bisita kay raya nung linggo.

kahapon naman, sona ni pgma. ulan pa rin! wala ngang pasok mga estudyante kahapon. pero syempre, ang mga opisina may pasok. kami nga ni hindi pinauwi ng maaga. sila nelo alas-tres pa lang pinauwi na. pero syempre, tiis siya sa paghihintay sa akin kasi 6pm pa rin kami umuwi.

at ngayon, eto, malakas pa rin nga ang ulan. hay, kailan kaya ito titigil.

naalala ko lang, noong bata pa kami, inaabangan namin pag malakas ang ulan. kasi, naliligo kami sa ulan. dun kami sa may harap ng kalsada, maglalaro habang sige buhos ang ulan. minsan pa, si mama, maglalagay ng drum sa ilalim ng alulod para saluhin ang tubig ulan, gagamitin niya kasi pandilig ng halaman pagkatapos. tapos, gagawin namin, tatayo kami sa may ilalim din nun para mas malakas ang buhos. ang sarap maging bata ng panahon na yun.

ngayon, naku, bawal na ang lumabas pag malakas ang ulan. kasi, mas madali daw ngayon magkasakit. at di na katulad ng dati na bata ka na okay lang ang maligo sa labas sa ilalim ng ulan. ngayon eh medyo may hiya ka ng gawin ito.

nagbabago talaga ang panahon ano. sarap lang isipin na kung bata ka, wala kang ibang iintindihin noon kundi ang maglaro, kumain, at mag-aral. ngayon, naku, mas malalaki pa dun ang dapat na iniisip at pinagtutuunan ng pansin.

ayan na naman, bumubuhos na ulit! hay, ulan, kailan ka nga ba titigil?!

1 comment:

  1. onga noh, bakit ngayon, wala na din akong nakikitang batang naliligo sa ulan. samantalang kami dati, halos lahat ng bata nasa labas kapag umuulan.
    hay, panahon nga naman. mas simple pero mas masaya ang buhay nuon. =)

    ReplyDelete