Tuesday, February 14, 2006

happy hearts day

valentine's day na naman. uso na naman ang roses at ang candle light dinner. sasakit nga lang ang ulo mo kakahanap ng parking space bago kayo makapunta sa date place niyo. hehehe.

naalala ko tuloy ang aking valentine experience taong 2004.

syempre, february 14 yun. kaka-decide lang namin the month before na magpapakasal na kami ni nelo. no engagement ring or anything. kasi naman, binigla niya ako sa kanyang proposal. walang engagement ring, no fancy dinner, basta lang. okay lang siyempre sa akin kasi naman ang importante ay nag-decide na kaming, magpapakasal kami sa isa't-isa.

anyway, nung week na yun ng valentine, major kayod ako sa trabaho. meron kami noon shoot para sa tvc ng isang client. and since monumental ang aming project, walang pakialam ang production kesehodang valentine's day ang schedule. trabaho lang po, walang personalan. lol!

kaya naman, that day and it was a saturday, no date for us. i just told nelo to pick me up after our shoot. and it was a long day shoot that ended almost 1am na the following day, february 15.

so, after the shoot, sakay na sa kotse pauwi. no time na for dinner or anything coz 1am na nga.

eto, umandar na naman ang pagiging theatrical ni nelo! kunin ko daw yung nakasingit na something dun sa may ilalim ng radio sa car. pagkita ko, akala ko plastic na rose. ang nasa isip ko "niloloko na naman ako nito! isipin mo, bibigay sa akin, plastic na rose!"

pagkuha ko ng "plastic rose" medyo nakasimangot ako. tapos sabi niya, since driving siya that time, "buksan" ko daw yung rose. susme! nabubuksan pala yun!

at pagbukas ko, wow, how sweet! may ring na nakalagay dun sa loob ng rose! tuwang-tuwa ako nun! super! yun daw ang aking engagement ring. sweet talaga!

kinwento nga niya na nung afternoon niya lang that day daw yun binili. at habang bumibili daw siya ay nananalangin siya na huwag akong tumawag. kasi daw mabubuking ko kung nasaan siya. ang dali kasing huluhin ni nelo pag di nagsasabi ng totoo. buti na lang daw at di ako tumawag sa kanya that time! loko talaga! hahaha!

pag naalala ko yun, naaliw ako. kasi minsan itong si nelo, may mga pa-drama drama pa sa mga binibigay niya! hahaha! di bale, ako din naman ma-drama din minsan kung magbigay sa kanya.

sabi nga, kung wala itong mga ka-dramahan na ito, kulang ang saya ng pagsasama.

kaya naman, love na love ko yang si nelo.

2 comments:

  1. wow misis, ang sweet naman! sana i-share mo ito sa ReaderSpeaks ng wifespeaks :) tutal unforgettable valentine's day experiences ang topic :)

    ReplyDelete
  2. happy belated valentine's day! kakakilig naman. truly memorable ang v-day for you.

    ReplyDelete