Friday, December 16, 2005

simbang gabi na

pasko na nga talaga! nag-umpisa na kanina ang taunang simbang gabi. sayang nga lang at hindi ako nakapag-simba. late na kasi kami nakauwi kagabi dahil christmas party sa office nila hubby. at may nangyari pa sa office nila pagkatapos ng party.

anyway, yun na nga. simbang gabi na. ito ang tradisyon na hindi talaga mawawala sa puso nating mga pilipino. december 16 hanggang december 24. ito ang hudyat na nandyan na talaga ang pasko. tuwing simbang gabi, kada isa sa mga nagsisimba ay may petisyong idinadasal sa kanya. nagsisimba ng buong siyam na araw sa pagnanasa na sagutin niya ang ating mga panalangin.

para naman sa iba, bukod sa pagsisimba, ang simbang gabi ang hudyat na makakabili at makakakain na sila ng puto bumbong at bibingka. pagkatapos mag-simba, kailangan ay makabili sila nito. para bang hindi kumpleto kung wala kang uwing
puto bumbong o bibingka man lang.

teka, eh ano nga ba ang puto bumbong at bibingka? ayon sa
wiktionary:

Puto Bumbong is a purpled-colored sweet cooked in tubes that are placed on a special steamer-cooker. When cooked, they are removed from the bamboo tubes, spread with butter and sprinkled with sugar and niyog (grated coconut). They are then wrapped in wilted banana leaves which keeps them warm and moist until they are ready to be eaten. Like Bibingka, Puto Bumbong is inexorably linked with Simbang Gabi--the dawn mass on the nine days preceeding Christmas.

The Bibingka - /bee-bing-kah/ is a Filipino rice cake made from galapong
, baked in a special clay pot, lined with a piece of banana leaf, with live coals on top and underneath. It is topped with slices of kesong puti (white cheese) and itlog na maalat (salted duck eggs). The newly-cooked bibingka is spread with butter and sometimes sprinkled with sugar then served with niyog (grated coconut).

ito ang ilan sa mga bagay na pag pasko mo lang nakikita. at nag-uumpisa ito lahat sa simbang gabi. kakaiba talaga ang pasko para sa ating mga pinoy. makulay at masaya!

2 comments:

  1. Kaka-miss ang simbang gabi! There are some churches here na may simbang gabi but it's really at night (not wee hours in the morning). Haay, sarap ng paskong pinoy... :)

    ReplyDelete
  2. hay naku mickee, sinabi mo pa, iba talaga ang paskong pinoy. sana maka-uwi ka by next year & dito kayo magpasko ng iyong baby. =D

    ReplyDelete