Wednesday, December 07, 2005

malamig ang simoy ng hangin

simula ng mag-umpisa ang december, di ko pa talaga masyado feel ang christmas. although, namili na rin kami ng mga pang-regalo a month ago pa. dadagdagan na lang ang mga wala pa sa listahan.

pero kagabi, pag-uwi ko, noon ko na-realize na wow! pasko na nga. bakit? kasi iba ang timpla ng hangin. ang lamig! na-miss ko itong lamig na ito ng pasko. last ko ito na-feel was mga 2 years ago pa. naalala ko nga, last year di pa malamig ang pasko, medyo mainit. pero kagabi talaga, iba ang naramdaman ko. pasko na!

bagay ngang talaga ang kantang
"himig ng pasko" sa mga ganitong pagkakataon. at kung feel mo siyang kantahin, eto ang full lyrics nyan.


Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawat damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog na ng langit
Himig ng pasko'y laganap
Mayro'ng sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lubos ang kasayahan
Himig ng pasko'y umiiral
Sa loob ng bawat tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin
Himig ng pasko'y laganap
Mayro'ng sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lubos ang kasayahan
Himig ng pasko'y umiiral
Sa loob ng bawat tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin

kagabi nga, pagdating ko ng bahay, naabutan kong nagbabalot na ng regalo si hubby. pasko na nga talaga!...

2 comments:

  1. napakanta mo ako hehehe. advanced merry christmas! :D

    ReplyDelete
  2. haay kaka-miss ang pasko sa pinas... dito kasi, it's just another day.... :(

    ReplyDelete