Friday, October 28, 2005

bati na ulit

ayan, kaka-tantrum ko kagabi, ako tuloy ang nahirapan sa pag-uwi.

sa inis ko sa asawa ko kagabi, i decided na hindi na ako magpapasundo at mag-commute na lang ako. nag-text ako sa kanya saying na una na akong umuwi. mayamaya lang ay tumatawag na siya. bakit daw uuna pa ako eh pa-tapos na nga sya sa gym. and since inis nga ako, i said, huwag na at magta-taxi na lang ako. hayun, nainis rin siya sa akin kaya sabi niya sige! so, go naman ako!

well, pinairal ko ang pride ko more than anything! so, pagbaba ko ng office para humanap ng taxi, surprise! -- WALANG TAXI available in sight! at umuulan pa pala! akala ko tumigil na ang ulan kaya malakas din ang loob ko na umuna na umuwi. pwes, i ended up na nag-jeep na lang ako. pumunta pa ako ng landmark para sa pilahan ng jeep. mabuti na lang at may jeep pa, pero naman, ang haba ng pila!

hay, during that time ay iniisip ko ng bawiin ang sinabi ko at magpasundo na lang. pero hindi, matigas talaga ulo ko, nag-tiis ako!

eto na, nakasakay naman ako. pero, pagdating ng kalayaan going to c-5, nanang ko! traffic! at lumakas pa lalo ang ulan! habang nasa jeep ako at nagmumuni-muni ng mga nangyari, nag-ring ang cellphone, asawa ko.

me: hello... (meaning: mabuti naisipan mo pa akong tawagan!)
siya: hello. nasaan ka na?
me: nasa kalayaan
siya: nandito na ako sa bahay...
me: ok! (meaning: mabuti ka pa nandyan na! ako nandito pa rin dahil sa iyo!)

well, it took me almost 30 minutes bago ako nakarating sa kanto pauwi sa amin, eh usually 15 minutes lang yun, hinay pa takbo minsan. dumaan pa ako ng mercury at bumili ng vitamin c. kainis din itong ubo kong ito! ayoko na talaga magkasakit!

at, pagsakay ko ng tricycle, may text asawa ko - nasaan ka na? kaya pala, tumatawag siya sa cellphone eh wala minsan signal sa loob ng mercury lapit sa medicine counter. eh ang tagal ko din dun. when i saw my phone later in the evening ay 5 times na siyang tumatawag.

pagdating ng tricycle sa harap ng bahay, ang asawa ko ay nandun na sa harp, may hawak na payong, nakalukot ang mukha sa magkahalong inis at pagaalala sa akin. nakatanaw sa kabilang kalsada at ang alam nga ay nag-taxi ako. laking gulat niya ng sa kabila ako nanggaling at naka-tricycle lang.

hirit agad sa akin pagbaba ko, "akala ko ba nag-taxi ka?!!"

sagot ko, " walang taxi eh".
sagot ulit, "eh kung nagpasundo ka na lang kasi!!"

ilang oras na cold war ang lumipas. hanggang sa higaan ay di kami nag-iimikan. panay ang ubo ko para pansinin ako, wa effect! hanggang sa marinig ko, nakatulog na pala. so tinanggal ko salamin niya, nagising!

goodnight kiss muna kahit magkagalit, biglang ayan na, labasan na ng sama ng loob. syempre, galit siya sa akin at super tigas daw ng ulo ko at masyado akong mataas ang pride! sabi ko naman bakit kasi di siya nagsasabi na ma-late pala siya. at kung ano-ano pa napag-usapan.

kunsabagay, di rin naman kami talaga makatulog pareho na hindi nagbabati. yan ang kabilin-bilinan ng nanay ko, huwag daw patapusin ang gabi or huwag matutulog na hindi kayo nag-aayos ng asawa mo. dapat mag-bati kayo dahil hindi magandang tinutulugan ang tampuhan. matatabunan ng matatabunan hanggang sa mabibigla na lang kayo, dami na pala kayo hinanakit sa isa't-isa.

kaya ayan, bati na ulit kami. nag-kiss and make-up na kami. isang makulay na pagbabati ang nangyari pagkatapos. hehehe!

3 comments:

  1. Uyyy, bati na sila... :)

    ReplyDelete
  2. hello. got here from naw.

    enjoy reading this entry ha. kakakilig kahit me tampo kayo sa isat isa. :D


    jeanny
    http://hubbyandwifey.blogsome.com

    ReplyDelete
  3. hihi... ayan kasi pag nag inarte, dapat nasa bahay na! hehe..

    ReplyDelete