Friday, October 06, 2006

texas journal # 1 continued

we finally arrived here at corpus christi ng 8:30pm last night.

super pagod kami ni nelo sa sobrang haba ng naging byahe namin. while waiting for our flight nga papunta dito, kumain muna kami sa mc donlad's sa airport. yun na kasi ang pinaka mabilis na makakainan.

syempre, since bagong salta sa america, nag-compute muna kami kung magkano ang food bago kami mag-decide bumili. naku, eh mahal pala pag nag-convert ako ng $ to peso! imagine, we bought a big mac meal worth $5.45 plus $0.49 to make it a go-large meal + tax pa syempre! basta ang ending, we paid $6.97 for a big mac meal. that actually costs P350 sa manila! wow!

pero syempre, dito sa u.s eh mura na yun. natatawa na lang kami ni nelo habang kumakain. isipin mo, nag-compute pa kami eh gutom na nga kaming dalawa! lol!

anyway, sinundo kami nila charo & bernard sa airport, syempre kasama sila mama & papa & si christabel. aba, sumama agad si bel sa akin! katuwa coz it's been almost a year since last namin siya nakita. ang laki na niya and ang bilis ng maglakad.

we had dinner at this chinese restaurant na eat-all-you-can. di kami masyado nakakain pero tama lang din naman. masarap naman ang food.

after ng dinner, uwi na kami. nilabas na namin agad ang mga pasalubong namin sa kanila. tuwang-tuwa ako kay bel! kasi, pinagawan ko siya ng 2 costume sa 'pinas para sa halloween. isang sleeping beauty and isang pang-fairy, ala-tinkerbell. pagkakita nya sa gown, kinuha niya agad at niyakap! sabay kiss sa damit. gustong-gusto niya! at ng sinukat namin sa kanya, sakto talaga! ang ganda-ganda niya! at priceless talaga ang itsura nya habang suot nya ang damit.

medyo matagal bago nya hinubad yun at nag-try naman ng ibang damit. natuwa din sila charo & bernard sa mga dala naming damit at gamit. nakakawala din ng pagod ng magustuhan nila mga dala namin.

halos 2am na rin kami kanina nakatulog. it's now october 6 dito sa u.s. aalis kami mamyang hapon, medyo pahinga lang muna for now.

i-kwento ko na lang ulit pag may new happenings na.

No comments:

Post a Comment