Tuesday, November 08, 2005

it's a monsters ball - a week or two after

a post party kwento on the halooween trick or treat we had at the office:

we had a halloween trick or treat for the kids here sa office last friday, october 28. kami sa accounts were in-charge of the party along with creatives. actually, sila carla and lieza ang komite de pestejos nito. all we were asked to do was bring in goodies for the kids. i decided to bring si marga, pamangkin ko, to the party. syempre, nagsabi na ako kay ate tica early on pa lang at baka may ibang gimmick ito ano!

at para naman dumami ang ipamimigay, nag-solicit ako ng cookies from my client. plus, buti na lang nagpunta si mama sa divisoria a week ago. nagpabili ako ng mga small toys at yun ang ipamimigay ko sa trick or treat.

eto na, on the day ng halloween party, bigla namang nag-schedule ng meeting sa biscuit-an. hay! kung di lang talaga ako naghahabol ng budget, pa-move ko sana ang meeting next week pa. eh sayang din naman ang billings ano at baka ma-tsugi ako kung di namin ma-hit ang projections. hehehe! and since 4pm dapat ang start, sinabi ko sa pipnsan ko dalhin na lang si marga ng 5pm.

eto na, 4pm na hindi pa tapos ang meeting! hindi ako mapakali sa upuan. mahaba-haba pa ang meeting. inabot pa rin kami ng 5pm. hay buti na lang at nag-approve siya on the dot! nagmamadali na kaming bumalik ng opisina. nandun na sila marga sa baba ng office waiting for me.

pagdating ng office, pinuntahan ko agad sila sa van. ang cutie ni marga! naka-pink barbie gown na ball skirt-type and with matching wings! little fairy princess ito! pag-akyat namin sa office, rave siya ng party! kasi lahat ng nakakita, pinuri agad ang fairy princess. syempre, na-shy kaya ayaw bumitaw sa akin.

marga marga & me

mabuti nakahabol pa kami sa mga goodies. and since nakalimutan ni marga ang kanyang halloween basket, ay, binuhos ko lahat ang laman ng extra bag ko sa table para gawin niyang basket! susme! dami niyang nakuhang candies. eto na, ng ipamimigay ko na ang mga toys na pang-goodies, namili muna si marga. nauna na talaga sa ibang kids. at! pagkatapos ko mamigay at may sobra pa, well, pinagpilian pa ulit niya ang mga sobrang toys. kids talaga!

at may face painting activity pa pala kami. marga patiently waited for her turn para lang talaga ma-paint ang kanyang arms ng little flowers. ang cutie! by that time, nelo was downstairs na to pick us up.

with ryan, willa & amos marga with carla & lieza

after the party, we went na sa glorietta to eat coz marga said gutom na daw siya. we really enjoyed that day with her and i know naman she did also. when we brought her home nga, pinakita niya agad sa daddy (my cousin) niya ang kanyang mga nakuha and her arms with the paint.

super enjoy talaga!


shy kids willa & amos goodies face painting aahhh... amos enjoy the party kiddies

No comments:

Post a Comment